Marami sa ating mga kababayang Pinoy na naninirahan at nagtatrabaho sa Singapore ang naliligaw --- "wasak ang pamilya".
Isa sa napakaraming dahilan kung bakit pinipili ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na "huwag" isama ang kanilang asawa't-anak ay dahil:
- Mahal ang manirahan dito kasama ang pamilya (pagkain, renta ng bahay at school fees).
- Walang paaralan ang tatanggap agad para sa kanilang anak (waiting list or nothing at all).
- Hindi maaaring magpart-time at walang pagkukunan ng ibang kita (dahil pampaaral).
May mga bagay tayong hindi na mabibigyan ng solusyon. Tulad ng patakaran ng mahal nating bansang Singapore. Subalit, may ilan din na maaari nating gawan ng paraan alang-alang sa kapakanan ng ating pamilya o anak. Lalo pa't ang Pinoy ay naturing na "matiyaga", "mapamaraan" at "mapagmahal" sa kanilang (totoo at nag-iisang) pamilya. hehe
Sa pagpapatuloy ng aking paghahanap ng sagot, napag-alaman ko na ang "paaralan" ang isa mismong pangunahing problema ng pamilya upang mamalagi ang Dependent Pass (DP) holder ng ating mga OFW. Kung susumahin sa iilan kong koneksyon at mga kaibigan, mayroon na agad lagpas sampu ang nahihirapang maghanap ng paaralan. Bukod dito, may kakilala din akong Permanent Resident (PR) at mga lokal na bagamat nakakuha ng "slot" sa nais nilang paaralan ay hindi naman akma sa kakayahan ng kanilang anak.
Bilang isang edukador at mahigit walong taong propesyunal na nagtatrabaho sa Singapore, mahigit isang libo na din ang aking naturuan (1-on-1 or group classes); mahigit sa 10,000 oras na ang aking naigugol sa pagttrain/tutor ng mga batang iba-iba ang lahi. Ngunit hindi ito naging sagot sa lumalalang problema ng ating mga kababayan --- isang institusyon, paaralan or centre na kakalinga upang mapaunlad ang kanilang kaisipan at pagkatao.
"Ayokong datnan ng aking anak na wala siyang paaralan; na pinagkaitan siya ng pantay na oportunidad para sa katulad nating dayuhan."
At sa darating na buwan (February 2018), nais kong ipaalam na ang aking Singaporean boss ay pumayag nang buksan ang pinto para sa programang ito --- prayoridad sa mga kababayan nating Pinoy. Hindi ko man masagot pa ang ilang katanungan pero maaari kayong mag-iwan ng mensahe dito (i-click lamang ito) o kaya naman sa aking personal na Facebook Account: Jake Qui (97748345).
Kung may kakilala din kayong magiging interesado sa pagkakataon na ito, mangyari lamang po na paki-bahagi ang link na ito. Salamat po! Mabuhay ang lahat ng OFW sa Singapore!


No comments:
Post a Comment