Masasabi kong, "kami lang po ay bagong kasal".
Exactly two months ago (26 November 2017) nang kami'y ikinasal. Naisip kasi namin, huwag nang hintayin maging bilyunaryo ang bawat isa...kailangan magkasabay naming pagtrabahuan ito; huwag nang hintayin na maging makulay ang buhay...kailangan kami ang malalagay ng titik at magpinta sa mundo; huwag na namin hintayin na makakilala pa ng iba...dahil palaging may "MAS" na darating.
Sa aming lubos na kasiyahan, kami'y napahinto at naisip kung paano pa lumalim ang aming relasyon... Bumalik kami sa umpisa at nanalangin sa Panginoon upang magpakasal. Ang preparasyon ng ilang buwan bago ang kasal ay masasabi naming biyaya! Sa matinding pananalig, nairaos namin ang takdang pagpapakasal. Dumalo ang malalapit naming mga kaibigan at pamilya; kamag-anak at espesyal na tao sa aming buhay.
At matapos ang halos isang Linggo, nanumbalik ang ilang tanong kung saan at paano kami magsisimula? Halos isang dekada na din kasi akong namuhay sa Singapore. Marahil, napamahal na ako sa ganitong buhay suballit hindi ko isinasara angg pinto saan man kami dalhin. Samantala, siya noo'y nagtrabaho naman sa Thailand bilang isang English Instructor sa isang unibersidad bago nagdesisyon na umuwi ng Pilipinas.
Fast forward, anong naghihintay sa aming itatayong pamilya kung walang paaralan? Ito'y dahil, may halos sampung pamilya sa aking mga kaibigan ang napilitang umuwi at pauwiin ang kanilang mga anak. Hindi namin matanto na mahigit dalawang taon kaming Long Distance Relationship (LDR), at baka pati ang aming mga magiging anak ay matulad sa iba pang mga kakilala.
Umigting ang aming kagustuhan na maipa-abot ang tulong sa iba at gumawa ng solusyon.
Habang maaga pa.
At ngayong taon, binubuksan namin ang aming palad para sa mga pamilyang nagnanais na makasama ang kanilang anak sa pamamagitan ng Homeschooling Program. Magsimula February, alam namin na maraming buhay ang aming matatapik at maiimpluwensiyahan.
Gayundin, sa paraang ito magagamit namin ang talentong bigay ng Diyos upang maturuan ang mga bata. Maraming mga Pinoy ang kampanteng makakapagtrabaho sa Singapore kasama ang kanilang asawa't-anak. Makakapagtapos ang kanilang anak na may magandang karakter o pagkatao. At sa oras na ibigay ng Diyos ang biyayang supling mula sa taas, kami naman ang magsasabing: "Thanks younger Jakeson and Joanna for sacrificing your time and effort to serve with a heart."
Ano nga ba ang aming misyon sa relasyong ito..?
- Ang magkasama sa bawat oras, sa hirap at ginhawa;
- Ang makatulong sa mga OFW (Singapore) na magbuklod-buklod ang kanilang pamilya;
- Ang maibalik sa Panginoon ang lahat ng aming pasasalamat sa pamamagitang ng paglilingkod.
Magsusumikap kaming mapagtagumpayan ang hamon na ito. Nagsisimula pa lang ang aming buhay bilang mag-asawa ngunit maraming pamilya na ang naghihintay at umaasa. Nasasabik kaming makita kung ano pang himala at sorpresa ang tatambad sa aming harapan.
Nasisigurado namin na kami'y handa na. Hindi namin hihintayin na lumala pa ang sitwayson ng bawat OFW dito. So help us God! :)
*Kami po ay malugod na sasagod sa inyong katanungan. Maaari ninyong maipabot ang inyong mensahe dito. Salamat po!




No comments:
Post a Comment