Featured post

Hindi namin Hihintayin

Masasabi kong, "kami lang po ay bagong kasal".   Exactly two months ago (26 November 2017) nang kami'y ikinasal. Nais...

Thursday, 25 January 2018

Hindi namin Hihintayin

Masasabi kong, "kami lang po ay bagong kasal". 




Exactly two months ago (26 November 2017) nang kami'y ikinasal. Naisip kasi namin, huwag nang hintayin maging bilyunaryo ang bawat isa...kailangan magkasabay naming pagtrabahuan ito; huwag nang hintayin na maging makulay ang buhay...kailangan kami ang malalagay ng titik at magpinta sa mundo; huwag na namin hintayin na makakilala pa ng iba...dahil palaging may "MAS" na darating.




Sa aming lubos na kasiyahan, kami'y napahinto at naisip kung paano pa lumalim ang aming relasyon... Bumalik kami sa umpisa at nanalangin sa Panginoon upang magpakasal.  Ang preparasyon ng ilang buwan bago ang kasal ay masasabi naming biyaya!  Sa matinding pananalig, nairaos namin ang takdang pagpapakasal.  Dumalo ang malalapit naming mga kaibigan at pamilya; kamag-anak at espesyal na tao sa aming buhay.

At matapos ang halos isang Linggo, nanumbalik ang ilang tanong kung saan at paano kami magsisimula?  Halos isang dekada na din kasi akong namuhay sa Singapore.  Marahil, napamahal na ako sa ganitong buhay suballit hindi ko isinasara angg pinto saan man kami dalhin.  Samantala, siya noo'y nagtrabaho naman sa Thailand bilang isang English Instructor sa isang unibersidad bago nagdesisyon na umuwi ng Pilipinas.



Fast forward, anong naghihintay sa aming itatayong pamilya kung walang paaralan?  Ito'y dahil, may halos sampung pamilya sa aking mga kaibigan ang napilitang umuwi at pauwiin ang kanilang mga anak.  Hindi namin matanto na mahigit dalawang taon kaming Long Distance Relationship (LDR), at baka pati ang aming mga magiging anak ay matulad sa iba pang mga kakilala.

Umigting ang aming kagustuhan na maipa-abot ang tulong sa iba at gumawa ng solusyon. 

Habang maaga pa.

At ngayong taon, binubuksan namin ang aming palad para sa mga pamilyang nagnanais na makasama ang kanilang anak sa pamamagitan ng Homeschooling Program. Magsimula February, alam namin na maraming buhay ang aming matatapik at maiimpluwensiyahan.

Gayundin, sa paraang ito magagamit namin ang talentong bigay ng Diyos upang maturuan ang mga bata.  Maraming mga Pinoy ang kampanteng makakapagtrabaho sa Singapore kasama ang kanilang asawa't-anak.  Makakapagtapos ang kanilang anak na may magandang karakter o pagkatao.  At sa oras na ibigay ng Diyos ang biyayang supling mula sa taas, kami naman ang magsasabing:  "Thanks younger Jakeson and Joanna for sacrificing your time and effort to serve with a heart."



Ano nga ba ang aming misyon sa relasyong ito..?


  1. Ang magkasama sa bawat oras, sa hirap at ginhawa; 
  2. Ang makatulong sa mga OFW (Singapore) na magbuklod-buklod ang kanilang pamilya; 
  3. Ang maibalik sa Panginoon ang lahat ng aming pasasalamat sa pamamagitang ng paglilingkod. 

Magsusumikap kaming mapagtagumpayan ang hamon na ito.  Nagsisimula pa lang ang aming buhay bilang mag-asawa ngunit maraming pamilya na ang naghihintay at umaasa.  Nasasabik kaming makita kung ano pang himala at sorpresa ang tatambad sa aming harapan.  

Nasisigurado namin na kami'y handa na. Hindi namin hihintayin na lumala pa ang sitwayson ng bawat OFW dito. So help us God! :) 

*Kami po ay malugod na sasagod sa inyong katanungan.  Maaari ninyong maipabot ang inyong mensahe dito.  Salamat po!


Wednesday, 24 January 2018

Good Point: Have an Innocent Mind


Today, on 25 January 2018, I've learned one thing about young minds - innocence. 

As we approach a closed classroom, Matthew and Chloe excitedly sat on the blue small chairs.  Aside from academic, I was able to train their cognitive skills where Logic and Reasoning is one big thing.

And we start...

Teacher Jake:  Chloe, Teacher Jake is going to read a passage and repeat after me: "Sophia said, let's go out for a picnic at the park or near the beach".

(Chloe was able to repeat the whole passage.  We focused on one of the sentences we have just read.)

Teacher Jake:  Where will they go?

Chloe:  At the park or near the beach.

Teacher Jake:  Very Good! What will they do?

Chloe: Go out for a picnic.

Teacher Jake: Well done! Who said they wanted to go?

Chloe: You!

Teacher Jake: I mean in the passage?

Chloe: Us???

(Matthew burst into laughter! And said, "Oh my gulay...")

Teacher Jake:  Don't say that Matthew. It is a replacement for Oh My God or "OMG".  Which we cannot use the name of our Lord in (vain) anyhow.  Instead, you cheer up Chloe by saying: Think One More Time.

(Chloe interrupted and remembered something...)

Chloe: Teacher Jake, Matthew is (pinapakain) still being fed by Ate Mavic last Sunday.  I saw it!

Teacher Jake: Matthew, as you grow, you need to use what God has given you.  Use your two hands and five fingers with your simple daily activities.  Don't let someone fed you from now on.  Is that ok?  Can you do that?

Matthew:  Yes, Teacher Jake!

Teacher Jake: Will you only do that at church/ school or even at home?

Matthew:  Everywhere po!

Teacher Jake: Great! Because if you don't, God will give it to other people who need it the most...that they may use it for His glory.  Understood?  Do you want it to happen?

Matthew: No 'po'.  Now I understand Teacher Jake. I saw a small little finger of a man in the airport.  He has the total of six (6) fingers just at one hand.  I didn't saw the other hand because we need to leave.  So, I knew he must have used his hands/fingers properly.

Teacher Jake:  HAHAHAHA
Well, let's memorize the Bible verse for today.


(Then, the bell rings.)

Teacher Jake: Lunch-break everyone!

Both:  YEHEY!!!

Sagot: Homeschooling Para sa OFW

Marami sa ating mga kababayang Pinoy na naninirahan at nagtatrabaho sa Singapore ang naliligaw --- "wasak ang pamilya".


Isa sa napakaraming dahilan kung bakit pinipili ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na "huwag" isama ang kanilang asawa't-anak ay dahil:
  1. Mahal ang manirahan dito kasama ang pamilya (pagkain, renta ng bahay at school fees).
  2. Walang paaralan ang tatanggap agad para sa kanilang anak (waiting list or nothing at all). 
  3. Hindi maaaring magpart-time at walang pagkukunan ng ibang kita (dahil pampaaral). 
May mga bagay tayong hindi na mabibigyan ng solusyon.  Tulad ng patakaran ng mahal nating bansang Singapore.  Subalit, may ilan din na maaari nating gawan ng paraan alang-alang sa kapakanan ng ating pamilya o anak.  Lalo pa't ang Pinoy ay naturing na "matiyaga", "mapamaraan" at "mapagmahal" sa kanilang (totoo at nag-iisang) pamilya. hehe

Sa pagpapatuloy ng aking paghahanap ng sagot, napag-alaman ko na ang "paaralan" ang isa mismong pangunahing problema ng pamilya upang mamalagi ang Dependent Pass (DP) holder ng ating mga OFW.  Kung susumahin sa iilan kong koneksyon at mga kaibigan, mayroon na agad lagpas sampu ang nahihirapang maghanap ng paaralan.  Bukod dito, may kakilala din akong Permanent Resident (PR) at mga lokal na bagamat nakakuha ng "slot" sa nais nilang paaralan ay hindi naman akma sa kakayahan ng kanilang anak. 

Bilang isang edukador at mahigit walong taong propesyunal na nagtatrabaho sa Singapore, mahigit isang libo na din ang aking naturuan (1-on-1 or group classes); mahigit sa 10,000 oras na ang aking naigugol sa pagttrain/tutor ng mga batang iba-iba ang lahi.  Ngunit hindi ito naging sagot sa lumalalang problema ng ating mga kababayan --- isang institusyon, paaralan or centre na kakalinga upang mapaunlad ang kanilang kaisipan at pagkatao. 

"Ayokong datnan ng aking anak na wala siyang paaralan; na pinagkaitan siya ng pantay na oportunidad para sa katulad nating dayuhan."


Sa nakalipas na taon, nagsimula ako sa tatlong bata upang sumailalim sa Homeschooling Program (K-12) mula sa USA.  Habang ang kanilang mga magulang ay patuloy na nakakapagtrabaho dito, malaya din silang lumalagi sa Singapore upang makapag-aral.  May ilan din naman, na habang naka-enroll sa programang ito ay nagpapalipas ng ilang buwan sa Pilipinas o namamasyal ang sa ibang bansa.  Ito'y dahil nakadepende sa kanilang kakayahan kung hanggang kailan matatapos ang "activities" at "tests".  Sa ganitong paraan, mas magaan para sa lahat na magplano ng kanilang personal na lakad.



At sa darating na buwan (February 2018), nais kong ipaalam na ang aking Singaporean boss ay pumayag nang buksan ang pinto para sa programang ito --- prayoridad sa mga kababayan nating Pinoy.  Hindi ko man masagot pa ang ilang katanungan pero maaari kayong mag-iwan ng mensahe dito (i-click lamang ito) o kaya naman sa aking personal na Facebook Account: Jake Qui (97748345).

Kung may kakilala din kayong magiging interesado sa pagkakataon na ito, mangyari lamang po na paki-bahagi ang link na ito. Salamat po! Mabuhay ang lahat ng OFW sa Singapore!





Monday, 14 November 2016

Why Teacher JeyKyu Exist?

28 October 2015, 3:00PM

I want all Dyslexic to read well

Knowing they cannot really tell.
As Autism brings to own's world,
To understand an unease word.

I want to help special children,
Show their family it's not a burden.
The struggling child at the school
Must replace a joy of learning tool.

To not hallucinate and just obey
Minimize delusions - hear or say.
To aid their depression and battle
As ever as man to succeed subtle.

I want to run with ADHD life's race
Make less frustration paint on face.
Boost the confidence of bullied son,
Value the given time by our only One.

Sunday, 13 November 2016

Jonathan (Some Great Waster)



23 October 2016, 9: 30PM

Every Sunday, I buy a Versace perfume,
In Takashimaya, I get jeans, price boom!
Booked massage in exchange of therapy
Talked to ladies and give excess for party.

I have autism, I do work and responsible
I like making decision and with principles
I work at McDonalds, a law abiding man.  
I have survival life skills, exercising plan.

My parents has successful trade abroad
They can’t qualify me as heir, I’ve flawed.
My brother is worst, arm guided of steels
The dripping saliva, his unknown ordeal.

I know when many people are involved,
I cover my eyes and normally it resolve
I stay hugging pillows, fist are clenched

I know in a minute, senses come fenced.

Saturday, 12 November 2016

David (Lousy in my Advantage)


23 October 2016, 8:00PM

My words are esteemed of power and lenient
I delivered to the public thinking it’s expedient.
Though it doesn't fit much, I’ve got right urges
To form a binding relationship with my friends.

Usually, I was misinterpreted by mine stories,
But I thanked the universe and dim mysteries
I has given what has been given and received
The science and the religion which I believed.

Yes, though I barely passed with all subjects,
I’m engrossed with the value of legal precept
The ingredients written in my medicine bottle
I’ll read them all hundred times until I throttle.

My classmates giggle I explain some process
Unity, betrayal, war, it is my curly hair I guess.
With my tucked in shirt with belt and red short
Aspergers’ a supernatural horror or some sort.

I scratch, smell my elbow with no interference
Cried the most and shout with unending bless
That I can verbalize my thoughts for my family

Though, I cannot materialize what caused me.

Friday, 11 November 2016

Rebecca (Haunted Trauma)


22 October 2016, 2:00AM

My classmate took life, suicide.
While she was just at our side.
We’re sixteen and moving fast
It was trauma I learnt from past.

I took psychology course, look
But every time I opened books
I can see her tears and ghastly
The story haunted around truly.

The parental stress and parcel
I sing Oishi Merry Xmas gospel
Close eyes while I drink hot tea
Smells the aroma, blend Teh Si.